Rajah Sulaiman III, Last Muslim King of Manila (1558 – 1575) – Written in Tagalog by Jose N. Sevilla and Tolentino in the early 1920′s

Rajah Sulaiman III, Last Muslim King of Manila (1558 – 1575) – Written in Tagalog by Jose N. Sevilla and Tolentino in the early 1920′s

Rajah Suliman, Last Muslim King of Manila

Rajah Sulaiman III (1558 – 1575) was the last native Muslim king of Manila, now the site of the capital of the Philippines, Manila. He was one of three chieftains, along with Rajah Rajah Lakandula and Adults, to have played a significant role in the Spanish conquests of the kingdoms of the Manila Bay-Pasig River area, first by Martín de Goiti, and Juan de Salcedo in 1570; and later by Miguel Lopez de Legazpi in 1571

The following biography of Rajah Soliman was written in Tagalog by Jose N. Sevilla and Tolentino in the early 1920s:

 

soliman

TALAMBUHAY NI RAHA SOLIMAN

Bago nagíng̃ Rahá si Solimán, ay nagíng̃ katulong̃ muna sa pang̃ang̃asiwà ng̃ mg̃a súliranin dito sa Maynilà, ni Raháng̃ Matandâ.

Si Lakán Dulà na nanánahanan sa Tundó ay siyá niyáng̃ kasama. Itó ay nang̃ kapanáhunan ni Raháng̃ Matandâ nang̃ taóng̃ 1570. Noón ay isáng̃ pulutóng̃ nang̃ mg̃a sasakyáng̃ kastilà na pinamumunuan ni Martin de Goití at Juan de Salcedo ang̃ dumaong̃ sa luók ng̃ Maynilà. Niyaóng̃ unang̃ datíng̃ dito niná Goití ay dî sila nakalunsád pagdaka. Ang̃ Maynilà, ay may matitibay na mg̃a muóg at sila’y pinaputukán at sinagupà.

Nabalitaan niláng isá sa mg̃a makapang̃yarihan doón ay si Solimán, kaya’t nagpadalá sina Goití rito ng̃ sugò na nagsásaysáy na silá’y dî naparito upáng̃ makidigmâ kundî upáng̃ makipagkásundô, at ang̃ ganitó’y tinugón sa pamamagitan ng̃ sugò, na ang̃ Hari sa Maynilà ay nagnanasà ng̃ makipagkaibigan sa mg̃a kastilà.

Pagtang̃gáp ni Goití ng̃ paklí ni Solimán ay nasók siyá at ang̃ kanyáng̃ mg̃a tao sa ilog ng̃ Pasig at silá’y lumunsád sa isáng̃ baybáy na itinakdâ ng̃ Harì. Sinalubong̃ silá ni Raháng Matandâ at nakipagkamáy sa kanilá, pagkaliban ng̃ iláng̃ sandali ay dumatíng si Rahá Solimán at nakipágkamáy din ng̃uni’t nagpasubalì ng̃ gayari: «Kamí ay nagnánasang̃ makipagkaibigan sa mg̃a kastilà samantalang̃ silá’y mabuti sa amin; ng̃uni’t mahíhirapan silá ng̃ gaya ng̃ hirap na tiniís na ng̃ ibá, kailán ma’t nasain niláng̃ kami’y alisán ng̃ puri».

Pagkaraán ng̃ iláng̃ araw si Goití ay nagkulang̃ sa pagkakáibigan sa pagpapaputók ng̃ kaniláng̃ kanyón, at si Rahá Solimán ay napilitang̃ magbago ng̃ kilos. Ipinawasák nitó ang̃ mg̃a sasakyán nina Goití at ipinapuksâ ang̃ kanyáng̃ mg̃a kawal.

Nápakabuti ang̃ pagtatang̃gól sa mg̃a kutà at dî nagawâ nang̃ mg̃a kastilà ang̃ makapasok agád, ng̃uni’t nang̃ mang̃asalantà ang̃ mg̃a tao ni Solimán at maubos na ang̃ mg̃a punlô ay napipilan din. At nang̃ makuha ng̃ mg̃a kastilà ang̃ Maynilà ay sinalakay ang̃ bahay ni Solimán at dito’y nátagpuán nilá ang̃ isáng̃ mainam na gusali, maiinam na kasang̃kapang̃ sigay, mg̃a damit na mariring̃al na nagkakahalagá ng̃ may 23.000 piso.

Hindî nagtaksíl kailán man si Solimán, gaya ng̃ ipinararatang̃ sa kanyá ng̃ mg̃a kastilà. Siyá’y tumupád lamáng̃ sa kanyáng̃ dakilang̃ katung̃kulan na makibaka sa sino mang̃ magnánasang̃ sumirà ng̃ kanyáng̃ kapuriháng̃ pagkaharì, at yáyamang̃ ang̃ mg̃a kastilà ay siyáng̃ nagpasimulâ ng̃ pagbabaka, ay siyá ay nagtang̃gól lamang̃ at natalo, ng̃uni’t hindî kailán man nagtaksíl.

Ang̃ kanyáng̃ pagibig sa sariling̃ Lupà ay nagudyók sa kanyáng̃ makibaka at siyá ay nakibaka dahil doón.

Kung̃ saán mákikitang̃ ang pagguhò ng̃ kaharian ni Solimàn ay utang̃ sa kagahaman ng̃ isáng̃ lahing̃ mang̃aalipin; sa isáng̃ pámahalaáng̃ pinagágaláw ng̃ lakás ng̃ lakás at di ng̃ lakás ng̃ katuwiran.

Kawawang̃ bayang̃ maliliít na linúlupig at ginágahasà ng̃ malalakíng bansâ.

Ang̃ daigdíg ay patung̃o sa pagunlád, at buhat niyaóng̃ 1914 na gahasain ang̃ Belhika, ang malalakíng̃ Bansâ ay nagsasapì at ipinagtang̃gól ang̃ katwiran ng̃ maliliít na bayan. Panibagong̃ kilos sa daigdíg na bung̃a ng̃ mayamang̃ diwà ng̃ dakilang̃ Wilson sa kaamerikahan.

 

kapisanang mandirigma

%d bloggers like this: